Nuong Lunes, sinabi ng Zoo sa Wakayama Prefecture na pinangalanan na nila ang giant panda na ipinanganak duon nuong Agosto nitong taon.
Ang Adventure World Amuzement Park ang pumili ng pangalan para sa 4 na buwang gulang na panda na may haba na 75 cm at tumitimbang ng 6 kg. Ang pangalan ay galing sa mahigit 120,000 iminungkahing pangalan ng publiko.
Ang unang character na ang pag-basa ay 「Sai」 ay nangangahulugan na maliwanag at masigla sa wikang hapon, samantalang ang ikalawang karakter na ang pag-basa ay 「Hin」 ay kinuha mula sa isa sa mga karakter nang lugar kung saan ito ipinanganak, paliwanag ng tagapag-salita ng zoo.
Mahigit 400 katao ang nag-punta sa zoo upang dumalo sa seremonya ng pag-bibigay ng pangalan sa nasabing panda.
“Hangad ko na lumaki siya ng maayos at patuloy na mag-bigay ngiti sa lahat.” Ani ni Kenji Takai, 47 anyos, isa sa dumalo sa seremonyas na kasama ang kanyang pamilya.
Ipinanganak ang panda nuong August 14, 2018 mula sa kanyang ina na si Rauhin (18) at sa kanyang ama na si Eimei (26). Tumimbang lamang ng 75 grams ang panda na siyang naging pinaka-maliit na pandang ipinanganak sa nasabing pasilidad.
Source: Japan Today
Image: Image Bank
Join the Conversation