Maraming magagawa sa Japan kapag sumapit ang tag-lamig. Mayroong winter illuminations, mga snow monkeys at marami pang iba. Narito ang ilang mga lugar at aktibidad na maaaring gawin kapag winter sa Japan:
1. SKI
Maraming turista ang bumibisita sa Japan mula buwan ng Disyembre hanggang Marso para sa mga winter activities.Ang ilan rito ay ang Ski at Snowboarding. Papular na lugar para dito ay sa Hokkaido dahil sa marami dito na Ski Resort na mayroong kalidad na niyebe.
2.Open-Air Onsen
Masarap mag-onsen lalo na kapag malamig at ito ay nasa labas. Ang mga onsen sa hilagang Japan ay nagiging eapesyal dahil ang paligid nito ay nababalutan ng niyebe. Tiyak na magugustuhan niyo ang magagandang tanawin habang kayo ay nagtatampisaw sa hot spring.
3. Winter Illuminations
Pinaka-papular na atraksyon sa panahon nh tag-lamig ang illuminations o light-up displays. Ito ay ginagawa sa buong bansa, iba’t-ibang events ang nagaganap taon-taon ang iba ay natatapos pagka-tapos ng Pasko, ngunit ang iba naman ay makikita sa buong winter season.
4. Ice Skating
Walang oras para mag skiing? Maaari pa ninyo ma-enjoy ang inyong winter activities sa loob ng lungsod. Sa central area ng Tokyo, mayroong mga outdoor skating rinks na inirerekomenda sa buong pamilya at magkasintahan.
5.Sapporo Snow Festival
Sa aming palagay, ito ay ang pinaka-magandang Winter Festival sa Japan. Ang Sapporo Winter Festival ay naka-schedule mag-simula sa ika-31 ng Enero hanggang ika-11ng Pebrero taong 2019. Isho-showcase dito ang ilang Snow at Ice Sculptures. Mahigit 2 milyong katao ang bumibisita rito.
6. Jigokudanj Monkey Park
Isa sa unique at kilalang tanawin tuwing tag-lamig sa Japn ay ang mga naliligong Snow Monkeys sa Nagano Prefecture. Sa Jigokudani Monkey Park naninirahan ang mga unggoy at sila ay makikita rito sa buong taon, ngunit mas binibisita ng mga dayuhan ang lugar pag-sapit ng tag-lamig dahil ang buong kapaligiran ay nababalot ng niyebe.
7. Shirakawago Village
Ang Shirakawago ay isang napaka-ganda at tradisyonal na village at kabilang ito sa listahan ng UNESCO World Heritage. Inire-rekomenda na bisitahin ang lugar sa buong taon dahil ito ay nag-tatampok ng iba’t-ibang magagandang disenyo na naaangkop sa bawat season. Ito rin ay magandang bisitahin sa panahon ng tag-lamig dahil bukod sa ito ay nababalot sa niyebe sila rin ay nag-lagay ng palamuting ilaw upang mas mamukadkad ang kagandahan ng lugar.
8. Kamakura Festival
Ang Kumakura Festival o Snow Huts ay Winter Tradition sa Hilagang parte ng Japan. Mayroon itong 2 uri, ang Yokote Kawakura Festival at Yunishigawa Onzen Kawakura Festival. Taon-taon ito ginagawa at nag-tatampok ng ibat’-ibang statues at lanterns.
9. Sumo Grand Tournament
Isang New Year Tournament ng Sumo ang ginaganap sa Central City ng Tokyo. Ito ay tumatagal ng hanggang 2 linggo na mag-sisimula sa ika-14 ng Enero. Ang Sumo ang pinaka-iconic at tradisyonal na bagay sa bansang Japan. Nagiging papular na ito sa mga dayuhang turista.
10. Early viewing ng Cherry Blossoms
Hindi na kailangan na mag-antay ng Tag-sibol upang makakita ng mga Cherry Blossoms, dahil ito ay maagang namumukadkad sa lungsod ng Kawazu sa Shizuoka Prefecture. Nagsisimula itong mamulaklak sa buwan pa lamang ng Pebrero.
Source: https://jw-webmagazine.com/10-best-things-to-do-in-japan-in-winter-ed207aa1834d
Credits are written to the images posted above.
Join the Conversation