Nagsasa-gawa ng isang murder investigasyon ang Miyazaki Prefectural Police matapos matagpuan ang bangkay ng 6 na tao sa loob ng isang residente sa Lungsod ng Takachiho nuong Lunes, ayon sa ulat ng Asahi Shimbun.
Bandang alas-11:00 ng umaga, isang officer na rumesponde mula sa isang tip ang naka-tagpo sa bangkay ng isang babae na nasa labas ng isang bahay sa Oshikata Area. Matapos nito ay mayroon pang nakitang katawan ng 2 babae at 3 lalaki sa loob ng bahay.
Ayon sa Takachiho Police Station, lahat ng natagpuan katawan ay pawang mga wala ng buhay. Ang mga katawan ng biktima ay nagtataglay ng mga undisclosed wounds.
40 minutos matapos matagpuan ang mga bangkay, nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ang kamag-anak ng mga biktima. Sinabi nito na matagal-tagal na rin nilang hindi ma-kontak ang mga ito.
Sinisikap ng mga awtoridad na makumpirma ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima at ang sanhi ng pagka-matay ng mga ito.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation