Lalaki, idinemanda and dating boss dahil sa paglublob ng mukha niya sa hotpot noong kanilang year-end party

Ang isang lalaki ay nakaranas ng malubhang pagkapaso ng mukha pagkatapos na ang kanyang ulo ay sinubsob sa kumukulong hotpot nabe sa year end party ng kanilang kumpanya noong 2015 ay sinabi niya noong Huwebes na plano niyang idemanda ang dati niyang boss sa nangyaring insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: wikipedia

TOKYO (Kyodo) – Ang isang lalaki ay nakaranas ng malubhang pagkapaso ng mukha pagkatapos na ang kanyang ulo ay sinubsob sa kumukulong hotpot nabe sa year end party ng kanilang kumpanya noong 2015 ay sinabi niya noong Huwebes na plano niyang idemanda ang dati niyang boss sa nangyaring insidente.

Ang 23-taong-gulang na lalaki, na tumangging pangalanan, at ang kanyang abogado ay nagsabi sa isang press conference na magsasampa siya ng isang kriminal na reklamo sa pulisya at sa Tokyo District Court para sa pag-atake ng presidente ng entertainment agency ng dati niyang pinagta-trabahuan at hihiling ng compensation sa pinsala na natamo.

Ang presidente ng ahensiya ay hindi din pinangalanan, ngunit ang ahensiya ay kinilala ng isang source bilang MELM, na nakabase sa Shibuya Ward ng Tokyo.

Ang kaso ay nabunyag matapos ang isang video ng insidente ay kumalat kamakailan lamang sa Japanese weekly magazine na Shukan Shincho, na nag-post nito sa website na www.dailyshincho.jp. Ang video ay isa na ngayong viral sa YouTube.

Ipinakikita sa video na hinawakan sa leeg at tinutulak ang ulo ng lalaki at linublob ng dalawang beses sa isang kumukulong shabu-shabu hotpot sa year-end party noong Disyembre 20, 2015, na nag-iwan sa kanya ng mga paso na kinakailangan ng isang buwan pagpapagaling.

Mayroong humigit-kumulang 10 tao ang nasa party, kabilang ang mga kasosyo sa negosyo ng ahensya. Ang isa sa mga kalahok ay kinuha ang video gamit ang isang mobile phone.

Hindi pa malinaw kung bakit naghintay ang biktima ng tatlong taon upang magsampa ng kaso.

“Kapag nakakakita ako ng isang hotpot nabe, naaalala ko ang oras na iyon at kung gaano kasakit ang naranasan ko” sabi ng lalaki, anupat idinagdag niya na gusto niya na aminin ng presidente ang kanyang ginawa at pagbayaran niya ito.

Source: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund