2 batang lalaki patay, matapos umanong saksakin ng sariling ina sa Hiroshima Prefecture

Dahil ayaw matulad sa kung anong buhay mayroong sa ngayon, isang ina pinatay umano ang sariling mga anak.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hiroshima Prefecture, tahanan ng 2 batang pinaslang ng sariling ina.

Isang ginang ang inaresto nuong ika-19 ng Nobyembre dahil sa kasong suspected murder. Ito ay matapos umano nitong saksakin ang 2 anak na nag-eedad ng 5 at 3 anyos sa kanilang tahanan sa Western Japan, ayon sa pahayag ng mga pulis.

Kinumpirma kalaunan na wala nang buhay ang mga paslit. Kasalukuyang ini-imbestigahan ng Higashihiroshima Police Station sa Hiroshima Prefectural Police ang krimen dahil sa hinalang sadyang pag-patay o murder.

Si Ryoko Iwanaga, 31 anyos, residente ng Higashihiroshima City, Hiroshima Prefecture. Sinaksak umano ng ginang ang kanyang panganay na anak na si Hayato at bunsong anak na si Sota sa likuran at iba pang parte ng katawan bandang alas-5 ng hapon nuong ika-19 ng Nobyembre.

Ayon sa awtoridad, tumawag si Iwanaga sa mga pulis bandang alas-5:45 ng hapon nuong araw din na yun at nag-sabi na “pinatay ko ang 2 kong anak.” Natagpuan ng mga pulis ang katawan ng 2 bata na nasa sahig ng kanilang tahanan.

Umamin ang ginang sa ginawang krimen at nag-sabi na “ako ang sumaksak sa mga anak ko.” Sinabi rin ng ginang sa mga pulis na ayaw niyang matulad sa pamumuhay nila sa kasalukuyan ang kanyang mga anak kapag lumaki na sila.

Kasamang naninirahan ng ginang ang kanyang 2 anak at ang kanyang asawa. Wala sa bahay ang huli nang mangyari ang karumal dumal na krimen.

Source: The Mainichi

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund