TOKYO. Ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Jaramillo Jonathan, ay anak ng mga di-dokumentadong dayuhan mula sa Colombia, siya ay ipinanganak at lumaki sa Japan. Ngunit siya ay kabilang sa maraming mga dayuhan na naka-detain sa mga detention facility ng immigration na walang kasiguraduhan dahil sa kanyang natatanging kalagayan sa bansa.
Nagtamo ng batikos ang Japan dahil sa haba ng pag detain sa mga lumalabag sa immigration law sa kabila ng domestic at international na mga batikos sa malalang pagtrato sa mga detainee na minsan ay umaabot pa sa pagpapakamatay dahil sa pagka-desperado at walang kasiguraduhan na sitwasyon ng mga detainee.
Ang data na pinagsama ng Ministry of Justice ay umabot sa 700 katao, o halos kalahati ng mga detainees ang naka-detain ng mahigit sa 6 na buwan sa mga pasilidad ng imigrasyon. Ang mga numero ay lumalaganap dahil sa pagsasamantala sa ministeryo ng mga overstayers, na tumangging umalis sa bansa dahil ang kanilang mga kabuhayan ay nakabase sa Japan.
Ang mga problema sa imigrasyon at lumalaking tawag para sa reporma ng mga patakaran ng Japan ay dumating sa panahong nais ng gobyerno na maakit ang mas maraming dayuhang manggagawa upang matugunan ang malubhang problema sa manggagawa sa bansa sa gitna ng isang pag-urong ng populasyon.
Habang ang bansa ay nagpaplano upang ipakilala mula Abril ng susunod na taon ang isang bagong visa status ng hanggang limang taon para sa mga kwalipikafong manggagawa ngunit hindi maaaring dalhin ang mga miyembro ng pamilya. Ang pamahalaan ay nagsabi na magkaiba ang mga patakaran sa mga workers at mga immigrants.
Si Jonathan ay ipinanganak sa Yokohama at nakakulong sa East Japan Immigration Center sa Ushiku, Ibaraki Prefecture, sa silangang Japan.
Source: Kyodo
Join the Conversation