Nagsasa-gawa na ng imbestigasyon ang mga Mie Prefectural Police matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na may laslas ang mukha at katawan sa isang lawa sa Suzuka City nuong Lunes, ulat ng Jiji Press.
Bandang alas-5:45 ng umaga nang ang isang nag-lalakad na lalaki ay tumawag sa mga pulis at ini-report ang nakitang naka-taob na bangkay sa lawa. Ilang metro lamang ang layo nito sa pampang ng Ishigaki Pond.
Ayon sa Suzuka Police Statio, nag-tamo ng laslas sa mukha at ulo ang biktima na umaabot sa ilang sentimetro ang haba.
Sumusukat ng 185 hanggang 190 cm ang taas ng hindi pa nakikilalang lalaki. Ito ay naka-suot ng long-sleeves t-shirt, work pants at athletic shoes. Pinaniniwalaang nasa 20 hanggang 40 ang edaran ng biktima base sa inisyal na ulat ng mga pulis.
Gagamitin ng mga pulis ang magiging resulta mula sa awtopsiya na isina-gawa sa biktima upang matukoy ang sanhi ng pagka-matay nito. Ang kaso ay itinuturing na “Result of an accident” o “Foul play”.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation