Nagsa-gawa ng imbestigasyon ang Aichi Prefectural Police matapon manakawan ng isang lalaki ng ¥30 milyong yen ang isang pachinko sa Chiryou City nuong Friday.
Bago sumapit ang alas-11:00 ng umaga, ang suspek ay pumasok at pumuwesto sa likuran ng isang lalaking trabahante ng shop na nagre-redeem ng mga bulitas para palitan ng cash o premyo sa parking lot ng nasabing establisyamento. Hinablot ng suspek ang isang bag na naglalaman ng ¥30 milyong yen at magmadalinh tumakas matapos nitong mapa-tumba ang empleyado.
Ayon sa mga kapulisan, minor injuries lamang ang tinamo ng nasabing empleyado.
At ayon pa sa mga pulis, ang suspek ay tinatantyang may taas na 170cm at ito a naka-suot ng gray coat at blue pants. Ito rin ay naka-suot ng sumbrero at naka-shades.
Pinag-hahanap ngayon ng kapulisan ang suspek at ito ay makakasuhan ng robbery resulting in injury.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation