Isang lalaki arestado dahil sa pang-momolestiya ng batang babae

Lalaki inaresto dahil sa pang momolestiya sa isang grade school student.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Takuro Tokuda, (Twitter)

Sa Kanagawa, inaresto ng mga kapulisan ng Kanagawa Prefectural Police ang isang lalaki dahil sa pag-akit umano nito sa mga babaeng mag-aaral sa elementarya upang molestiyahin, ulat ng Sankei Shimbun.

Bandang ala-1:00 ng hapon nuong ika-17 ng Septyembre,naglalakad sa kalsada habang papauwi ang isang 10 anyos na bata at ang kaibigan nito nang maka-salubong nila si  Takuro Tokuda, isang residente ng Sagamihara City. Sinabihan umano sila ng suspek na “titignan ko ang inyong   katawan kung mayroong maliliit na itlog ng insekto” “mula sa kinaing school lunch sa paaralan.” Isa -isa lamang ha.” sinabi umano ng suspek sa mga bata.

Isinakay umano ng suspek ang bata sa loob ng kanya  sasakyan at duon ginawa ang pang-hihipo sa katawan ng bata.

Si Tokuda, ay nahaharap sa kasong Indecent Assault at Abduction for the purpose of committing an obscenity ay itinatanggi ang mga paratang na inihain sa kaniya. “Wala akong maalalang ginawa ko yun.” ani ng suspek sa pulisiya.

Umuwi na ang kaklase ng biktima at agad na sinabi ang nangyaring insidente sa kanyang ina.

Ibinaba ng suspek ang batang biktima sa isang kalsada sa Yokohama makalipas ang 30 minutos. At nang maka-uwi ang bata ay agad na nag-sumbong sa kanyang ina.

Naging person of interest si Tokude nang makilala ang kanyang kotse sa isang footage ng security camera kung saan malapit ang pinag-kuhanan sa biktima.

Iniimbestigahan na rin ng mga pulis si Tokude kung may kinalaman sa isang insidente sa Yokohama City na may kinalaman sa isang babae nuong araw rin na iyun.

Source: Tokyo Reporter

Image Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund