Inanunsyo ang guidelines para sa mga mage-evacuate na may kasamang alagang hayop

Ang Ministry ng environment ng Japan  ay lumikha ng mga alituntunin na dapat sundin ng mga may-ari ng alagang hayop kapag naghahanap ng kanlungan sa mga shelter sa paglisan sa panahon ng kalamidad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK World

Ang Ministry ng environment ng Japan  ay lumikha ng mga alituntunin na dapat sundin ng mga may-ari ng alagang hayop kapag naghahanap ng kanlungan sa mga shelter sa paglisan sa panahon ng kalamidad.

Maraming mga tao ang nag evacuate kasama ang mga alagang hayop pagkatapos ng 2011 lindol at tsunami na tumama sa hilagang-silangan Japan, at pagkatapos ng lindol sa Kumamoto Prefecture noong 2016.

Ngunit karamihan sa mga ito ay nagkaroon ng problema sa ibang mga evacuees sa shelter dahil ang kanilang mga alagang hayop ay nangangamoy o maiingay. Nagkaroon din sila ng problema sa pagkuha ng pagkain para sa mga hayop.

Ang mga alituntunin ay nananawagan sa mga may-ari ng alagang hayop upang maghanap ng maaga para sa shelters na tumanggap ng mga alagang hayop, at magsagawa ng mga pagsasanay sa paglisan kasama ang mga alagang hayop.

Pinapayuhan din nila ang mga may-ari na maghanda ng isang supply ng pagkain at tubig para sa mga alaga na maaaring tumagal nang hindi bababa sa 5 araw.

Sa karagdagan, ang mga alituntunin ay nagpapayo sa mga may-ari na mage-evacuate na may maliit na aso upang panatilihin itong nakatali o ilagay sa kanilang cage o sa dog carrier bag.
Iminumungkahi nila na ang mga karagdagang alituntunin ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga problema sa mga shelters.

Upang ipamahagi ang mga leaflets sa mga may-ari ng mga pet, ang ministeryo ay nagplanong makipagpulong at himingi ng tulong sa mga lokal na bureaus ng pamahalaan.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund