Isang lalaki ang inaresto dahil sa di umano’y pagiging dahilan ng banggaan na kumitil sa buhay ng 4 na katao at naka-pinsala sa 3 namang katao. Nangyari ito sa hilagang bahagi ng Japan, Prepektura ng Aomori, Lungsod ng Tsugaru nuong buwan ng Septyembre. Napag-alaman na ang suspek ay nasa impluwensiya ng alak at nag-mamaneho ng mabilis. Ang lalaki ay naaresto nitong ika-22 ng Oktubre at nahaharap sa kasong Suspicion of Dangerous Driving, sinabi ng mga pulis.
Ayon sa Prefectural Police, nabangga ni Yuya Takasugi (32) ang isang maliit na kotse sa harapan ng kotseng minamaneho ng huli sa National Route no. 101 bandang ala-1:00 ng madaling araw nuong ika-22 ng Septyembre. Tumilapon ang sasakyan ng mga ito sa sentrong linya at bumangga naman sa paparating na maliit na kotse.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay isang lokal na residente ng Tsugaru. At ito ay lasing na bago pa mag-maneho ng kotse nuong araw ba iyun. Ang suspek ay nag-maneho ng kanyang sasakyan ng mahigit pa sa 50 kmph na speed limit, kung-kaya’t nangyari ang multiple-car crash.
Kinitil ng nasabing aksidente ang buhay ni Jun Hirofune (43) at ng kanyang asawa na si Airi (30), sila ang mga pasahero ng unang sasakyan binangga. Binawian rin ng buhay ang driver ng ikalawang sasakyan na si Haruji Yamada (63) at ang pasagero nitong si Kumiko Yamada (46). Si Yamada ay driver para sa mga naka-inom ng alak na mga pasahero. Napinsala rin ang driver ng ikatlong kotseng nabangga. Matindi naman ang pinsala na tinamo nila Takasugi at 2 pang pasaherong kasama nito sa loob ng kotse.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation