Part-time worker ng convenience store, arestado dahil sa pagnanakaw ng ¥ 2 mil mula sa tindahan

Isang 49-anyos na part-time na manggagawa sa isang convenience store sa Kanzaki, Saga Prefecture, ay naaresto dahil sa pagnanakaw ng 2 million yen mula sa tindahan, sinabi ng pulisya noong Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SAGA
Isang 49-anyos na part-time na manggagawa sa isang convenience store sa Kanzaki, Saga Prefecture, ay naaresto dahil sa pagnanakaw ng 2 million yen mula sa tindahan, sinabi ng pulisya noong Linggo.

Image: Pixabay

Ayon sa pulisya, isang customer ang dumating sa store bandang 4:50 a.m. Sabado at nagtaka dahil walang empleyado na nagbabantay sa store.

Naghinala ang customer na may kakaibang nangyari dahil hindi karaniwan na mawalan ng bantay ang isang conveniene store kaya’t tinawagan ng customer ang pulis at pagkatapos ay doon nalaman na nawawala ang 2,000,000 yen na cash na kinuha mula sa cash register at sa safe ng opisina.

Isang alerto ang ibinigay para kay Katsuya Ishihara, ang empleyado na dapat ay naka-night shift ng panahong iyon, at siya ay natagpua at nahuli na daladala pa ang pera sa isang parking lot sa Kurume, Fukuoka Prefecture ng Sabado ng umaga.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund