Isang 40 anyos na ginang nilagyan ng pam-patulog ang inumin ng kaibigan upang pag-nakawan.

Pina-tulog at ninakawan ng isang ginang ang kanyang 88 taong gulang na kakilala sa mismong tahanan nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Taeko Inoue, 40 anyos suspek sa pag-nanakaw at pag-lagay ng pam-patulog sa inumin ng 88 anyos na biktima.

Inaresto ng Hokkaido Prefectural Police si Taeko Inoue, 40 taong gulang dahil sa pag-nanakaw ng kumulang 10 milyon yen nuong nakaraan buwan sa tahanan ng kanyang kaibigang lalaki, mula sa ulat ng TV Asahi nuong ika-1 ng Septyembre.

 

Nuong ika-28 at 29 ng Agosto, si Taeko Inoue, walang trabaho ay nilagyan umano ng sleeping powder ang inumin ng 88 anyos niya kaibigan sa loob mismo ng tahanan nito. Matapos nito ay ninakaw ng suspek ang mahigit 9.7 milyon yen n apera ng matanda sa loob ng kanyang tahanan.

Inamin ni Inoue ang paratang sa kanya, ani ng Tomakomai Police Station. Siya ay ini-harap sa piskal nitong ika-1 ng Septyembre.

Ayon sa mga pulis, nitong mga nakalipas lamang na buwan umano’y naging magka-kilala ang biktima at ang suspek.

Sinisikap ngayon ng mga pulisya na matukoy ang motibo ng krimen at kung paano napasa-ilalim sa kamay ng suspek ang gamot na ginamit sa biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund