Isang bagong silang na sanggol inabandona at iniwan sa loob ng Don Quijote

Isang babae ang nag-silang ng sanggol sa hotel at inabandona ang bata sa loob ng Don Quijote.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Pinag-hahanap at pina-iimbestigahan ang isang babae na pinag-hihinalaang nag-silang ng sanggol sa isang hotel sa Kitakyushu City nuong Martes, ulat ng Nippon News Network.

Bandang alas-5:45 ng hapon, nang may mag-report sa mga pulis na “may umiiyak na sanggol” sa Don Quijote sa Kokurita Ward. Ayon sa mga pulis, natagpuan nila ang isang babaeng sanggol na mukhang kapapanganak pa lamang sa ibabaw ng mga binibentang tuwalya.

Agad na dinala sa ospital ang bata at kinumpirma ng mga pulis na walang pinsala ang bagong panganak na sanggol.

Isang babae ang pinag-hihinalaang nanganak sa loob ng hotel at iniwan ang bata sa Don Quijote.

Tinatantyang 30 minutos bago matagpuan ang sanggol, isang staff sa isang hotel ang tumawag at nag-sabi na ” may sinyales at ebidensya na may nanganak sa loob ng isa sa mga kwarto nito.” Ang hotel ay may layo na 250 metro mula sa lugar kung saan natagpuan ang isang sanggol.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang babaeng nanganak sa loob ng hotel at ang babaeng nag-iwan ng bagong silang na sanggol sa Din Quijote  ay iisa lamang. Sasampahan ng kaso ang ina ng bata na “abandonement of a guardian”.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund