36 taong gulang na ama, arestado sa pambubugbog at pagpatay sa kanyang 8 taong gulang na anak

Inaresto ng pulisya sa Ikoma, Nara Prefecture noong Huwebes ang isang 36-taong-gulang na lalaki sa hinalang pagpatay sa kanyang 8-anyos na anak na lalaki sa kanilang bahay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Pixabay

NARA – Inaresto ng pulisya sa Ikoma, Nara Prefecture noong Huwebes ang isang 36-taong-gulang na lalaki sa hinalang pagpatay sa kanyang 8-anyos na anak na lalaki sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, si Tsuyoshi Okada, isang dental technician, ay pisikal na sinaktan ang kanyang anak na si Yushin sa kanilang bahay noong Setyembre 17. Pinalo umano ni Okada ang ulo ni Yushin at tumawag sa 119 ng sumunod na araw ng bandang 6:50 ng umaga at sinabi na ang kanyang anak na lalaki ay hindi humihinga Iniulat ng Fuji TV. Ang batang lalaki ay dinala sa ospital kung saan siya ay na announce na patay. Sinabi ng mga doktor na malamang na namatay siya bandang alas-4 ng umaga.

Lumabas sa autopsy na si Yushin ay nagtamo ng fractured skull.  Inako naman ng ama na si Okada na binugbog niya ang kanyang anak.

Sa panahon ng insidente, ang nanay ni Yushin ay nasa kanilang bahay at sinisiyasat ng pulisya ang kinalaman nito sa mga pangyayari.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund