TOKYO
Isang malakas na bagyo na tutungo sa Southern Pacific Coast ng Japan at malamang na mananalanta sa western Japan ngayong Martes, sa babala ng pambansang ahensya ng panahon ay maaaring ito ang maging pinaka-malakas na bagyo na magla-landfall sa loob ng 25 taon.
Ang Japan Meteorological Agency ay nagsabi na ang malawak na lugar ng Japan ay dapat nasa mataas na alerto para sa malakas na hangin, mataas na alon at malakas na buhos ng ulan.
Simula alas-10 ng gabi ng Lunes, ang Typhoon Jebi ay naglalakbay sa hilaga sa paligid ng 240 kilometro timog-silangan ng Tanegashima island sa bilis na 25 kilometers per hour, na may isang atmospheric pressure ng 945 hectopascals sa gitna nito at hangin na hanggang sa 216 kph.
Ikinategorya bilang “napaka-lakas” ng ahensya na batay sa lakas ng kanyang hangin, ang Jebi ang magiging pinakamalakas na bagyo sa Japan mula noong 1993 kung magpapanatili ito ng kanyang lakas, sinabi ng isang opisyal ng ahensiya sa isang press conference emergency.
Pinakiki-usapan ang mga tao na iwasang lumabas ng bahay at maghanda para sa evacuation.
Ang Japan ay tinamaan ng sunod-sunod na mga typhoons kamakailan lamang, sa kanlurang bahagi ng bansa ay sinalanta ng malawakang pagbaha at landslides na nag-iwan ng higit sa 220 kataong patay.
Ang malakas na gusts ng hanggang na nasa 216 kph ay maaaring matumbok ang Shikoku at Kinki region, at bugsong aabot sa 162 kph na maaaring makaapekto sa isang malawak na lugar kasama na ang Tohoku, Tokai at Hokuriku rehiyon.
Sa loob ng 24-oras sa pagitan ng alas-6 ng gabi ng Martes, hanggang sa 400 millimeters ng ulan ang maaaring mahulog sa Shikoku, Kinki at Tokai region at 250 mm sa region ng Kanto-Koshin.
Source: Kyodo
Join the Conversation