Nang dahil sa away, isang lalaki ang paulit-ulit na sinagasaan ang kanyang misis

Dahil sa pag-tatalo ng isang mag-asawa, paulit-ulit na binundol ng lalaki ang kanyang misis!!!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Fukuoka Prefecture Police ang 53 anyos na lalaki, dahil sa hinalang sinadyang sagasaan ng suspek gamit ang sasakyan ang kanyang asawa sa Yukuhashi City nuong Miyerkules, mula sa ulat ng Sankei Shimbun. ( Aug. 30)

Bandang alas-9:20 ng gabi si Toshihiro Hanagiri, walang trabaho, ay gumamit ng isang pang-pasaherong sasakyan upang sagasaan ng paulit-ulit ang kanyang asawa, 45 anyos habang ito ay ume-exit sa kalsada sa Izumi Chuo area.

Ang babae ay agad na isinugod sa pagamutan, sugatan ang buong katawan nito at mahigit 1 buwan ang bubunuin ng ginang upang tuluyang maghilom ang kanyang mga sugat at umayos ang pakiramdam, sinabi ng mga mga pulis sa Yukushima Police Station.

Si Hanagiri, ay inaakusahan ng kasong attempted murder, ngunit ito ay itinatanggi ng suspek. “Inaamin ko na nasagasaan ko siya ngunit hindi ko binalak na patayin siya” pag-amin umano nito sa mga awtoridad.

Isang ginang ang paulit-ulit na binangga ng kanyang mister, sa Lungsod ng Yukuhashi nuong Miyerkules.

Bago pa man maganap ang insidente, nagkaroon umano ng pag-aaway ang dalawa sa loob ng kanilang sasakyan.

Matapos ang insidente, ang suspek ay agad nang tumakas sa lugar ng pinangyarihan, ngunit kalaunan ay sumuko din sa Yukuhashi Police Station.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund