Isang prostitute hinuli dahil sa pag-abandona ng labi ng 3 niyang sanggol.

Inaresto ang isang babae dahil sa kasong pag-aabandona sa labi ng 3 niyang sanggol.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Reika Yoshimaru, 25 anyos

Mula sa ulat ng Sankei Shimbun nuong ika-23 ng Agosto, inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang 25 anyos na Female Sex Worker, matapos nitong umamin sa pag-iwan ng labi o bangkay ng 3 niyang sanggol sa kanyang dating tirahan sa lungsod ng Sendai, Miyagi Prefecture.

Bandang alas-7:30 ng gabi nuong Miyerkules, pumunta sa isang Police Box si Reika Yoshimaru isang empleyado sa Fuzoku (isang commercial sex parlor) na kasalukuyang naninirahan sa Ikuno Ward at umamin sa pag-iwan ng bangkay ng kanyang 3 sanggol sa dating tirahan.

Nuong Huwebes, binisita ng ilang police officer mula sa Sendai Chuo Pllice Station ang sinasabing tirahan ng babae na nasa Aoba Ward sa Sendai. Natagpuan sa nasabing bahay ang isang bangkay ng sanggol na nasa loob ng isang plastik na naka-silid sa isang maleta at 2 pang magka-hiwalay na plastik na pinaniniwalaang din na labi ng 2 pang sanggol.

Kinasuhan ng mga pulis si Yoshimaru sa pag-abandona ng isang kumpirmadong labi ng sanggol. Nanganak ang babae nuong Disyembre taong 2016.

Tumira umano sa nasabing bahay ang babae sa pagitan ng Nobyembre, 2014 hanggang Nobyembre nuong nakaraang taon. Ayon sa mga pulis, ang nasabing tirahan ay patuloh pa ring inuupahan ni Yoshimaru.

Source: Tokyo Reporter

Image: ANN

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund