Hinihikayat ang mga tao sa Japan na magpa-bakuna laban sa Rubella Virus

Ang mga opisyal ng kalusugan sa Japan ay pinapayuhan ang mga tao na magpa-bakuna laban sa rubella virus dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng impeksyon lalo na sa paligid ng Tokyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga opisyal ng kalusugan sa Japan ay pinapayuhan ang mga tao na magpa-bakuna laban sa rubella virus dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng impeksyon lalo na sa paligid ng Tokyo.

Image: Pixabay (Vaccination)

Ang Rubella ay isang viral infectious disease na nagdudulot ng lagnat at rashes. Ang mga sanggol na ipinanganak sa mga kababaihan na may impeksyon ng sakit sa panahon ng pagbubuntis ay nasa panganib na magkaroon ang mga sanggol ng sakit sa mata, tainga o sakit sa puso.

Ang National Institute of Infectious Diseases ay nagsabi na higit sa 110 katao ang nahawaan ng sakit sa Tokyo at sa kalapit na Chiba Prefecture, noong ika-19 ng Agosto.

Ang kabuuang bilang sa bansa ay lumagpas na ng 170, lampas sa kabuuan ng nakaraang taon sa pagitan ng higit sa 70.

Ang institute ay nagrerekomenda ng pagbabakuna sa mga lalaki na nasa kanilang 30s hanggang 50s na hindi nahawaan ng rubella at walang mga rekord ng pagbabakuna.

Ang parehong payo ay ibinibigay din sa mga taong madalas na nakikipag-ugnayan sa mga buntis na kababaihan at sa kanilang mga pamilya, pati na rin sa mga kababaihan na may posibilidad na buntis.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund