Vice-principal ng elementary school inaresto sa pag-hit and run na ikinamatay ng isang Pilipina sa Saitama

Isang vice principal ng elementary school ang naaresto sa pag hit-and-run ng isang Pilipinong babae, at ang suspect ay natuklasang naka-inom nang mangyari ang aksidente. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ito ay ang kaso ng isang hit and run sa kalye ng Kawaguchi City, Saitama Prefecture, isang vice principal ng elementary school ang naaresto sa pag hit-and-run ng isang Pilipinong babae, at ang suspect ay natuklasang naka-inom nang mangyari ang aksidente.

Photo: TBS News

Ang Kawaguchi City, Saitama Prefecture Honcho elementary vice principal na si Yoshiaki Tanaka suspect (54), noong ika-28 sa kalye ng Kawaguchi City, ay nabangga nito si Josephine Rameda Ito, isang Pilipina (56). Ang suspect ay mabilis na tumakas sa lugar ng aksidente at hinayaang mamatay ang biktima.

Inamin ni Tanaka sa pulis na may hawak ng kaso na siya nga ang nakabangga at nakainom siya ng alak bago mangyari ang aksidente. Inamin niya na siya ay nakainom ng apat hanggang limang baso ng beer sa isang restaurant na malapit sa paaralan.

Noong umalis si Tanaka sa iniinumang lugar, narinig itong nagsabi na sasakay siya ng bus pauwi.  Iimbestigahan ng police kung ang pag-inom nya ng alak ang naging sanhi ng aksidente.

Source: TBS News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund