Filipina patay matapos ma hit-and-run sa Saitama

Patay ang isang ginang sa hinihinalang hit-and-run case sa Saitama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang filipina biktima ng hit-and-run sa Saitama.

Patay ang 56 anyos na filipina matapos ma hit-and-run sa Kawaguchi, Saitama Prefecture nuong Sabado.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, may tumawag sa 110 bandang alas-2:30 ng mdaling araw upang i-report na may babaeng nakitang naka-handusay sa kalsada sa tabi ng kanyang bisikleta sa Higashi-Hongo ng nasabing lungsod.

Kinalaunan, kinilala ang biktima na si Josephine Rameda Ito. Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima, subalit ito ay agad rin binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala na tinamo sa kanyang ulo, ulat ng Fuji TV.

Sinabi ng mga pulis na ang ginang ay pauwi na lulan ng kanyang bisikleta mula sa pinagta-trabahuhang pub na malapit lamang sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Sira ang likurang bahagi ng bisikleta ng ginang. Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na biktima ang ginang ng hit-and-run. Maaaring nabunggo ang likurang bahagi ng bisikleta ng isang sasakyan.

Ini-imbestigahan na ng mga pulis ang kuha sa mga street surveillance camera upang matukoy ang sasakyan na bumangga sa biktima.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund