Ang kauna-unahang Snoopy themed hotel sa Japan ay mag-bubukas sa ika-1 ng Agosto sa Kobe, Japan.
Si Snoopy ay ang main character sa 4 frame cartoon na “Peanuts” sa America mula taong 1950 hanggang taong 2000.
Ang mga karakter sa nasabing cartoons ay naka-paskil sa mga dingding ng 18 kwarto at iba pang bahagi sa loob ng ng Peanut’s Hotel.
Pagka-kaibigan, Pag-mamahal at Pilosopiya ang tema na makikita sa istorya ng Peanuts.
Plano ng nasabing Hotel na i-serve ang mga paboritong pagkain ni Snoopy tulad ng Pizza at Chocolate cake na paborito naman ng isa pang character na si Charlie Brown.
Ayon sa manager ng hotel na si Taisuke Azuma, ang kapaligiran ng Kobe ay similar sa lugar kung saan ginawa ang istorya ng “Peanuts”. Sinabi niya na ipapakita niya sa mundo ang cartoons mula sa hotel niya sa Kobe.
Sinabi ng mga opisyales ng nasabing hotel na mag-sisimula na sila kumuha ng reservations sa darating na ika-20 ng Hulyo.
Source: NHK World
Image: cupcast.com
Join the Conversation