Sinisiyasat ng Japan ang pang-aabuso ng mga foreign residents sa health insurance system

Susuriin ang mga dayuhan na sumali sa pampublikong insurance sa pamamagitan ng ilehitimong pagkuha ng residential status upang maiwasan ang pagbayad ng mga mamahaling medical bills.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (Kyodo) – Ang gobyerno ng Japan ay nagsimula ng isang nationwide na pagsisiyasat sa mga dayuhang residente na nagsasamantala sa sistema ng public health insurance ng bansa, ayon sa source.

Image: The Mainichi

Susuriin ng Health, Labor and Welfare Ministry ang mga munisipyo upang siyasatin ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga dayuhan na sumali sa pampublikong insurance sa pamamagitan ng ilehitimong pagkuha ng residential status upang maiwasan ang pagbayad ng mga mamahaling medical bills.

Iipunin ng ministeryo resulta ng mga natuklasan ng survey at tatalakayin ang mga hakbang upang maiwasan ang naturang pang-aabuso ng insurance system, na kung saan ay hindi idinisenyo upang isaalang-alang kapag ang mga dayuhan ay tumatanggap ng mga serbisyong medikal sa bansa.

Ang Japan ay may 2,560,000 banyagang residente sa dulo ng 2017, sunod-sunod ang pagtaas sa loob ng limang taon, ayon sa Justice Ministry. Sa kabuuan, ang Chinese nationals ang pinaka-madami na nasa 29 porsiyento, na sinusundan ng South Koreans sa 18 porsiyento, at Vietnamese at mga Pilipino, parehong nasa 10 porsiyento.

Sa Japan, ang lahat ng mga residente kabilang ang mga dayuhan ay kailangang mag apply ng isang health insurance plan na ibinigay sa pamamagitan ng kanilang mga employer, na sumasaklaw din sa kanilang mga dependents, o mag-apply para sa national health insurance sa kanilang lokal na mga munisipal na mga tanggapan.

Kahit na ang mga ito ay hindi mga empleyado ng kumpanya, ang mga dayuhan na mananatili sa Japan ng tatlong buwan o mas matagal pa para sa layuning pagne-negosyo o pag-aaral ay maaaring mag-apply para sa National Health Insurance coverage.

Ngunit nagkaroon ng isang string ng mga insidente kung saan ang mga dayuhan ay nakakakuha ng resident status sa ilegal na paraan, halimbawa, sa pamamagitan ng pagkukunwari bilang isang estudyante sa Japan.

Source: The Mainichi

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund