Natsubate o Summer Exhaution Syndrome: Paano ito malalabanan

Narito ang isang serye ng mga sintomas na nagpapahiwatig kung nakakaranas ng 'natsubate'. Alamin kung ano ito at kung paano maiwasan o labanan ito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang isang serye ng mga sintomas ay nagpapahiwatig kung ang tao ay may  ‘natsubate’. Alamin kung ano ito at kung paano maiwasan o labanan ito.

Mga epekto ng Natsubate sa ating kalusugan. (Flickr)

Ang Natsubate ay maaaring i-translate bilang summer exhaustion syndrome. Ang paraan ng pagsulat ay 夏 バ テ at ang pinagmulan ng salitang nagpapahayag ng isang hanay ng mga sintomas ay mula sa pagkakaisa ng 夏 (natsu) + 果 て る (hateru). Ito ay nangyayari sa tag-init, ang isang tao ay makakaramdam ng matinding pagod  – 疲 れ 果 て る (tsukarehateru).

Ang hanay ng mga sintomas ng exhaution syndrome na ito ay pag-sama ng pakiramdam, panghihina, kahirapan sa pangangatuwiran, kawalan ng gana, hindi makatulog ng tama o hindi pagkakatulog, maaaring pagtatae, sakit ng ulo, matinding pagkapagod, pagkahilo, lagnat, at iba pa.

Ang autonomic nervous system-SNA ay nagsasagawa ng isang mahusay na pagsisikap upang ma-regulate at panatilihin ang temperatura ng katawan, sa loob ng mataas na temperatura sa kapaligiran. Bilang karagdagan, ang paglamig ng kapaligiran dahil sa air-conditioning at ang biglaang pagkakaiba ng temperatura sa labas ay nakaka-apekto sa SNA. Ito ay nagiging sanhi ng tinatawag na dysautonomia o autonomic dysfunction. Bilang resulta, maraming mga sintomas ang lumitaw, na nagsasanhi ng summer exhaustion syndrome.

4 na paraan sa pag-iwas 

4 na oaraan ng pag-iwas. (PxHere e Pixabay)

Upang maiwasan ang syndrome, ang rekomendasyon ay magsagawa ng panlaban na hakbang. Narito ang 4 na pinakamahalaga:

1. Siguraduhing well hidrated ang katawan, madalas na uminom ng tubig at kumain ng mga pagkain na naglalaman sapat na tubig.

2. Ipahinga ang iyong katawan nang maayos, matulog ng sapat na oras.

3. Magpapawis ng konti sa pamamagitan ng light exercise

4. Panatilihing masustansiya at balanse ang diyeta

Ano ang dapat gawin kapag nagkaroon ng Natsubate 

Kapag napansin ang panghihina, inirerekomenda ang mga simpleng hakbang na ito upang maka-recover. Kapag lumala ito ay maaaring humantong sa chronic fatigue. Samakatuwid, ang pag-aalaga ng kalusugan ay mahalaga.

  • Himanap ng paraan upang mapabuti ang kalidad ng tulog at bumawi ng tulog upang maka-recover.
  • Huwag hayaang lumamig ng husto ang kapaligiran gamit ang air-conditioning. Ang ideal na temperatura ay kailangan i-program sa 25 hanggang 27ºC.
  • Pagkatapos mag-exercise, kapag napawisan ng husto, palitan ang mga nawalang minerals. Maaaring maglagay ng pinch ng sea salt o the Himalayan sa inyong tubig o uminom ng isotonic drink (Aquarius, Pocari, atbp).
  • Kung maaari, mag-nap ng 15-minute tuwing lunchtime.
  • Kumain ng mga pagkain na mayaman sa vitamin C at vitamin B.
  • Kumain ng sapat kahit walang gana, ng masusustansyang pagkain.
  • Kung maari, mag  hot tub, na may water temperature sa pagitan ng 38 hanggang 40ºC upang makapag relax.
  • Uminom ng tubig bago at pagkatapos maligo
  • Iwasan uminon ng sobrang lamig na tubig at iba pang frozen drinks.
Ang mahusay na pagkain at air conditioning sa kotse o sa bahay na may well regulated na temperatura (Pixabay at Wikimedia)

Mga pagkaing mayaman sa bitamina C

Napaka-galing talaga ng kalikasan dahi nagbibigay ito ng mga pagkain na may sapat na sustansya sa tamang panahon.  Makikita sa mga supermarkets ang green, yellow at red peppers, kiwi, orange, tomato, melon, pineapple, chives, cabbage, mulukhiyah (Japanese モ ロ ヘ イ)), cauliflower, broccoli, lemon, grape, peach, atbp.

Dark green leafy vegetables, greens at orange at yellow fruits na mayaman sa vitamin C (Pixabay)

Pagkain na mayaman sa Bitamina B

Sa pagpigil at paglaban ng pagod, ang pinakasikat na pagkain sa Japan ay ang eel at baboy dahil mataas ang mga ito sa bitamina B1 o thiamine. Dahil ang B1 o Thiamine ay hindi naka-imbak sa katawan kailangan itong kainin araw-araw. Ang iba pang mga pagkain ay sunflower seeds, mani, cashew nuts at smoked ham.

Ang natto, mga pork livers at manok na mayaman sa B2 o riboflavin, ay mahalaga din para sa kagandahan ng balat at maiwasan ang stress.

Ang B6 o pyridoxine ay nakakatulong na maiwasan ang anemia at maubusan ng enerhiya. Ito ay matatagpuan sa atay ng baka, saging, avocado at salmon.

Ang B9 o folic acid ay nakakatulong na maiwasan ang pagod. Ito ay matatagpuan sa beans at lentils, livers manok at karne ng baka, okra, spinach at soybeans.

Ang B12 ay mahalaga din at matatagpuan sa mga tuna at salmon, at sa atay ng manok, na tumutulong na mapanatili ang kalusugan ng nervous system.

Ang baboy at eel, na tinatawag na unagi, ay paboritong pagkain ng Japanese sa tag-init (Wikimedia and Pixabay)

Nutrients

Bukod sa mga pagkaing ito, ang mahalagang bagay pang mapanatili ang isang balanse at masustansiyang diyeta. Tandaan na kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina na nagpapatatag ng katawan, na nagbibigay ng sapat na bitamina at mineral.

Upang panatilihin ang temperatura ng katawan subukan na kumain ng red peppers, luya, curry, bawang o sibuyas bilang seasonings para sa paghahanda ng pagkain.

Sources: D-HealthCare, Kakuredassui and Ajinomoto Photos: Flickr, PxHere, Wikimedia, Pixabay and MaxPixel

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund