Nag-bukas ng chapter dito sa Prepektura ng Mie, Lungsod ng Tsu ang Filipino Sports Club nitong ika-15 ng Hulyo, 2018.
Ang Filipino Sports Club ay itinayo sa Prepektura ng Gifu nuong taong 2001 na pinamumunuan nila G. Rhayan Salmon Tao at G. Riel Sahayan. Layunin ng nasabing samahan na pag-buklorin at pag-yamanin ang Filipino Community dito sa bansang Japan, sa pamamagitan ng sports.
At nitong Linggo lamang ay nag simula na ang opening ng liga ng baskeball sa Lungsod ng Tsu. 10 team ang kasali ngayong season, at ito ay ang sumusunod;
HOKAGE, WILD CATS, SPARTAN, ACHILLES, BLACK BULLS, KANSAI BALLER, GOV-GEN, PILIPINAS at KAPATIRAN.
Ang pa-ligang ito ay bukas para sa lahat. Kung kayo ay may katanungan ukol sa nasabing palaro o nais sumali para sa susunod na season, maaari ninyo silang maka-usap sa pamamagitan ng kanilang facebook page, hanapin lamang sa fb ang Filipino Sports Club Tsu Japan.
Maraming salamat po sa pag-imbita sa amin Sir Rhayan at Sir Riel, nawa’y patuloy kayong maka-inspire ng mga kababayan natin. Good Luck and God bless you more.
Photo Gallery:
Marco Bartolome and Sarah Bartolome/ Portal Japan
Join the Conversation