22 anyos na lalaki, inaresto dahil sa posibleng pag-abuso nito sa anak na 6 na buwang lamang

Sanggol na 6 na buwang gulang ay biglaang pumanaw, at ang sanhi nito ay posibleng pananakit ng ama nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sa Osaka, isang 6 na buwang sanggol binawiaan ng buhay, hini-hinalang may kinalaman ang ama sa nangyari.

Nitong Huwebes lamang ay inaresto ng mga pulis sa Osaka ang isang 22 anyos na lalaki sa hinalang ito ay ang may responsibilidad sa pag-panaw ng 6 na buwang sagol na kanyang anak nuong buwan ng Disyembre.

Ayon sa mga pulis, si Daichi Matsuzaki, isang part-time na manggagawa ay sinaktan at inilagay sa peligro ang buhay ng kanyang anak sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Yodogawa Ward sa pagitan ng alas-8:30 ng umaga at alas-5:00 ng hapon nuong ika-17 ng Disyembre, base sa ulat ng Fuji TV. Nang mga oras na iyon tanging ang bata (6 na buwang gulang) at ang panganay na anak (2 taong gulang) lamang ang kasama ni Matsuzaki. Sa mga oras na iyun, ang ina ng bata ay nasa trabaho.

Nang maka-uwi ang ina ng bata napansin niya na may kakaiba sa kanyang anak. Agad na tumawag ang ginang sa 119 at dinala ang bata sa pagamutan, kung saan sinabi ng mga doktor na nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa utak ng bata. Matinding pinsala o severe trauma sa ulo ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng blood clot sa utak ng bata. Matapos ang 3 linggo ay binawian ng buhay ang bata.

Agad na ipinag-bigay alam ng ospital sa mga pulis ang nangyari sa bata, hinala nila ay posibleng may pang-aabusong nangyari sa bata kung kaya’t ito ay biglaang pumanaw.

Itinanggi ni Matsuzaki ang paratang sa kaniya. Ani ng suspek, hindi niya kayang saktan ang kanyang anak. Sinabi rin nito na nahulig sa sofa sng bata habang ito ay natutulog. Bigla itong umiyak at kanya lamang na pinatatahan.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund