TOKYO (Kyodo) – Ang mga dayuhang trainees na na-hire ng apat na construction company ay pinag-trabaho sa radioactive decontamination work sa nuclear disaster-hit Fukushima Prefecture, ayon sa pinakita na survey ng gobyerno noong Biyernes.
Ang Justice Ministry ay nagsagawa ng isang survey sa 182 na construction company sa pagtatapos ng Hunyo, at nagsabi sa isang pansamantalang ulat na ang Technical Intern Training Program ng gobyerno sa apat na kumpanya ay nakabatay sa prefecture ng Iwate, Fukushima at Chiba.
Ipinakilala ng Japan ang programa noong 1993 na may layunin ng paglilipat ng kasanayan sa mga developing countries. Ngunit ang scheme, na naglalayong sa agrikultura at manufacture at sa iba pang mga sektor, ay binatikos ng local at sa ibang bansa dahil sa paggamit ng mga Japanese company sa scheme na ito upang makakuha lamang ng cheap labor.
Ang pagsisiyasat ay nagsimula pagkatapos na madiskubre na may mga trainees ng Vietnam na nasangkot sa pagtrabaho sa radioactive decontamination sa Fukushima noong nakaraang taon. Ang isa sa kanila ay nagsabi na na-misled o naloko siya sa pagsali sa pagta-trabaho sa dekontaminasyon.
Noong Marso, sinabi ng Justice Ministry and the Ministry of Health, Labor and Welfare na ang gawaing de-kontaminasyon ay hindi angkop sa layunin ng programa ng trainee bilang mga hakbang upang maiwasan ang radioactive exposure at ang mga trainees ay hindi makapag-concentrate sa kanilang mga skills development.
Inaasahan ng Ministry of Justice na kumpletuhin ang buong survey sa pagtatapos ng Setyembre sa pakikipagtulungan sa labor ministry. Ang survey ay sumasakop sa 1,002 kumpanya na nagha-hire sa mga dayuhang trainees at batay sa walong prefecture sa silangang at mula sa hilagang-silangan ng Japan.
Ang apat na kumpanya na nabanggit sa interim na ulat ay hindi na magpapadala ng mga dayuhang trainees na lumahok sa paglilinis ng radiation. Ang ministeryo ay hindi pinangalanan ang apat na kumpanya.
Ngunit pinagbawalan ng ministeryo ang isa sa kanila na tumanggap ng mga dayuhang trainees sa loob ng limang taon dahil natuklasan na binayaran lamang ng 2,000 yen ($ 18) bawat araw ang mga trainees mula sa 6,600 yen na ibinigay ng estado bilang isang espesyal na allowance para sa decontamination work.
Source: The Mainichi
Join the Conversation