Pananaksak sa loob ng shinkansen, 1 patay samantalang 2 ang sugatan

Sabado ng gabi, isang lalaki ang nag-amok at nanaksak sa loob ng bullet train.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Suspek sa pananaksak sa loob ng tren nuong sabado ng gabi.

Base sa ulat ng mga pulis, isang lalaki na may hawak na patalim ang nag-amok at nanaksak sa loob ng shinkansen dis oras ng gabi ng sabado. Ang tren ay patungo sa Shin-Osaka station mula Tokyo. Ang insidente ay nag-resulta ng pagka-matay ng isang pasahero habang 2 naman ay sugatan.

Inaresto ng mga pulis si Ichiro Kojima, 22 anyos at walang trabaho dahil sa kasong attempted murder ng biglang huminto ang Nozomi train malapit sa Odawara station, southwest ng Tokyo. Sinabi umano ni Kojima sa mga imbestigador na biglaan niya lamang pinag-sasaksak ang 3 biktima dahil “dismayado” siya, na kahit sino na lamang ay gusto niya patayin.

Nangyari ang insidente bandang alas-10 ng gabi ng Sabado sa no.12 na karwahe ng shinkansen na mayroong 16 na karwahe na bumabyahe papuntang Shin-Osaka at Odawara station.

Mahigit 880 ang naka-sakay na pasahero ang Nozomi 265, ito ang huling byahe patungong Shin-Osaka nang araw na iyon, ayon sa Central Japan Railway Co. na kilala rin sa tawsg na JR Central.

Ang nangyaring kaguluhan sa loob ng Tokaido Shinkansen ay kumitil sa buhay ni Kotaro Umeda, 38 anyos na taga-Hyogo Prefecture at sa 2 babaeng pasahero na nasa edad na 20 anyos na nagkaroon ng pinsala sa kanilang ulo at balikat, ulat ng nga awtoridad. Nasaksak ang unang biktina nang tangkain niyang pigilan ang suspek.

Naka-kita ng 2 patalim sa loob ng tren kung saan nangyari ang karumaldumal na krimen.

Ayon smgaa saksi, mahigit 20 hanggang 30 ang naka-sakay na pasahero sa nasabing karwahe ng tren, kabilang dito ang mga kabataang kababaihan na nag-tangkang tumakas mula sa car no.12 ng nasabing bullet train.

Maraming kabataang kababaihan ang nakasakay sa nasabing byahe, pinaniniwalaan na ang mga ito ay may pinuntahang isang event.

Nag-iiyakan ang mga pasahero habang tumatakbong palayo sa nasabing karwahe, habang sumisigaw na “dumiretso lamang kayo!” at “mayroon siyang hawak na patalim!!”. Ang iba ay may hawak na detachable seats upang gawing panangga upang ma-proteksyonan ang sarili.

Ang suspek ay umalis sa kanilang tahanan sa Okazaki, Aichi Prefecture sa Central Japan nuong Disyembre, ayon sa isang 81 taong gulang na ginang na pina-niniwalaang kamag-anak ng suspek.

Ang suspek ay nagpa-gamot umano sa ospital dahil sa karamdaman sa pag-iisip. Matapos nito, ang suspek ay nag-simula nang mag-trabaho sa Okazaki ngunit ito ay umalis rin sa kanilang tahanan. 20 taon itong nanirahan sa nasabing bahay kasama ang ginang.

“Palagi akong nag-aalala sa kanya.” ani ng ginang nang siya ay kapanayamin sa telepono ng Kyodo News nuong Linggo. Kamakailan lamang, tinatawagan umano ng ginang ang cellphone ng suspek nguni hindi ito sumasagot.

Ang mga operasyon ng Shinkansen ay palaging napupuri dahil sa taglay nitong bilis at pag-sunod sa oras ng byahe. Pinag-mamalaki rin nito na wala pang nangyaring sakuna dahil sa pagka-dis karil ng tren sa riles o di naman kaya malfunction ng tren sa loob ng 50 taon na serbisyo nito mula taong 1964.

Ngunit ang mga high-speed train ay hindi rin naka-liligtas sa mfa krimen. Ilan dito ay ang nangyaring insidente nuong Hunyo ng taog 2015 kung saan ang isang 71 anyos na lalaki ay nag-sunog sa kanyang sarili sa loob ng tren, na nag-resulta ng pagka-matay ng huli at ilan pang mga pasahero.

Ang nangyaring sunog sa Tokaido Shinkasen Line ay nag-tulak sa mga operators ng shinkansen na dagdagan ang seguridad at patrol sa bawst istasyon at mag-install ng mga security camera sa loob ng karwahe ng mga tren.

Mahirap din naman na i-check at isa-isahin ang mga bagahe ng bawat pasahero sa dami ng bumabyahe araw-araw.

Ayon sa JR Central, nuong taong 2015  mahigit 446,000 araw-araw ang bilang ng pasahero na guma-gamit ng serbisyo ng Tokaido Line.

Source and Image: Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund