TOKYO (Kyodo) — Ang Nissan Motor Co. ay nagpapa-trabaho sa kanilang mga foreign trainees ng ibang trabaho keysa sa orihinal na program at pinagta-trabaho ng mahabang oras keysa sa nakasaad na limit sa kanilang domestic plants, ayon sa isang company official.
Apatnapu’t limang interns mula sa Indonesia at Pilipinas ang naatasang gumawa ng mga gawain tulad ng pagpipinta na sa totoo ay dapat nilang matutunan kung paano mag-molde ng mga bumper sa Kanagawa Prefecture, ayon sa opisyal.
Ang ilan sa 150 iba pang mga trainees na naka base sa prefecture ng Tochigi at Fukushima ay natagpuan din na natra-trabaho ng ibang bagay at nagtatrabaho ng mas mahabang oras kaysa sa orihinal na plano, sinabi ng opisyal.
Natagpuan ang Nissan ng mga maling pag-uugali sa pamamagitan ng panloob na probe at naituwid na ang sitwasyon, sinabi ng opisyal.
Isang batas ang ipinatupad noong nakaraang taon upang mapabuti ang pangangasiwa ng mga kumpanyang tumatanggap ng mga dayuhang manggagawa sa ilalim ng programa ng gobyerno.
Nalaman din na ang Mitsubishi Motors Corp sa Aichi Prefecture ay may mha ginagawa din na violations sa mga trainees na galing sa Pilipinas.
Join the Conversation