Sa paniniwalang mas convenient na makapag-libot sa Okinawa gamit ang sasakyan, isang Chinese na babae na nasa kanyang 30’s ang nagpasyang mag-access sa isang major online shopping site bago ang kanyang 2016 trip upang makakuha driving permit na ng valid sa Japan, dahil ang Chinese license ay hondi pinahihintulutan sa Japan.
Ang lisensya ay inisyu sa Pilipinas at nakuha sa pamamagitan ng ahente na nakalista sa website sa halagang ¥ 40,000.
Ang babae ay nag-aalala tungkol sa legalidad ng proseso, ngunit tiniyak siya ng kanyang kaibigan na hindi siya magkakaroon ng anumang mga isyu.
Pagkatapos maipadala ang kanyang larawan at kopya ng driver’s license sa agent na Chinese, isang international driver’s permit ang ipinadala galing sa post office isang buwan ang nakakaraan sa Okinawa noong Disyembre 2016. Gamit ang permit, nag-arkila siya ng sports car at naglibot sa pangunahing isla ng prefecture, kung saan walang masyadong mga serbisyo ng pampublikong transportasyon.
Ngunit napagtanto niya na hindi na niya dapat gamitin ang permit matapos makita ang mga ulat ng media sa Japan noong Enero na nagpapakita ng problema sa mga Chinese na may katulad na permit.
Ang batas ng trapiko ng Japan ay nagsasaad na ang mga dayuhang driver ay kailangang may: isang lisensiya na na issue sa Japan, o isang international permit sa pagmamaneho batay sa Geneva Convention o lisensya mula sa mga bansa o rehiyon na kinikilala ng Tokyo na magkaroon ng katulad na sistema para sa mga permit sa pagmamaneho, tulad ng Alemanya, Switzerland at Taiwan. Ang Pilipinas ay isang partido sa convention.
Ang mga may hawak ng mga pekeng lisensya ay maaaring magmulta at itrato bilang driving without a license. Nadiskubre ito ng isang reporter mula sa Okinawa Times noong naghahanap siya sa website ng Chinese online shopping noong Mayo 18, nalaman na ang mga ahente ay nag-aalok ng mga international driving permit na inisyu mula sa Pilipinas.
Ang mga car rental company ng prefecture ay nababahala sa mga turistang Chinese na may international driving permit na nakuha sa ilegal na paraan. Sinabi ng National Police Agency na alam na nila ang problema at sinisiyasat ang sitwasyon sa pakikipagtulungan sa iba pang mga sentral na ahensya ng gobyerno at ng All Japan Rent-a-Car Association.
Source: Japan Times
Join the Conversation