Kabataan mula sa Fukushima Prefecture isang lugar na nasira dahil sa kalamidad ay rumampa sa isang event na ginawa ng United Nation sa New York.
Ang organizer ng “Tokyo Girls Collection”, isang papular na biannual fashion event sa Japan ay nag-organize ng event sa Headquarters ng U.N nuong Huwebes.
Ang event ay nag-lalayong i-promote an UN- Advocated Sustainable Development Goals o SDGs, program na nag-sasama ng empowerment ng kababaihan.
Kabilang sa show ay ang mga kabataang mula sa Fukushima na may suot na local silk stoles habang rumarampa sa catwalk na parang mga propesyonal na modelo.
Ang mga silk ay gawa sa Lungsod ng Kawamata, isang lugar na malapit sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.
Sa simula ng show ang ilan sa mga sikat na fashion icon na sila Karina at Anna Tsuchiya ay nag-display ng SDG-themed costumes.
Nag-bigay ng talumpati sa wikang Ingles sa entablado ang gobernador ng Prepektura ng Fukushima na si Gov. Masao Uchibori.
Sinabi ng gobyernador sa mga manunuod na ang mga mamamayan ng Fukushima ay umaasa na makapag-ambag sa UN development initiative sa pag-sisikap na muling itaguyod ang kanilang komyunidad matapos ang 2011 Tsunami at Nuclear accident.
Ang butihing gobyernador ay nangakong patuloy na mag-tatrabaho upang mapag-buti ang kinabukasan ng mga kabataan.
Source: NHK World
Image: YouTube/Sari.850
Join the Conversation