Babae, inaresto dahil sa salang hit and run

Ginang na naka-sagasa sa isang motorista, walang maaala sa insidenteng nangyari

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Babaeng truck driver, arestado

Mula sa pahayag ng mga awtoridad sa Ageo, Saitama Prefecture, inaresto nila ang isang 41 anyos na babaeng truck driver nuong Huwebes. Ito ay dahil umano sa salang hit and run na naging sanhi ng pag-panaw ng isang motorista.

Ayon sa mga pulis, ang driver na si Sachiko Shimazu na taga- Komaki, Aichi Prefecture ay nabangga ang isang motorista na nag-eedad sa 30 anyos. Hindi pa inilalabas sa publiko ang pagkaka-kilanlan ng biktima. Nangyari ang insidente bandang alas-10:40 ng umaga sa National Route 16 nuong Huwebes, base sa ulat ng Fuji TV. Ang biktima ay agad na dinala sa pagamutan ngunit sa kasamaang palad ito ay binawian rin ng buhay nuong Huwebes.

Ang mina-manehong truck ni Shimazu ay natukoy sa pamamagitan ng surveillance camera footage at ilang mga nakakita sa nasabing insidente na agad namang tumawag sa 110.

Pilit na itinatanggi ng suspek ang mga paratang sa kaniya at nag-sabi na, ” Wala akong maalalang naka-bangga ako!”

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund