Ipinawalang bisa ng Lupon ng Edukasyon sa kanluran ng Lungsod ng Kobe, Japan ang sinabing nawawala raw ang memo na natagpuan nnaa-bubunyag ng pang-aapi o bullying bago pa kikitin ng isang mag-aaral ang kanyang sariling buhay.
Ang mag-aaral na nasa ikatlong taon sa high school ay kinitil ang sariling buhay nuong taong 2016.
Isang third-party committee ang nagsa-gawa ng imbestigasyon, ini-ulat nito na ang natagpuang memo, na isinulat matapos kapanayamin ang mga kamag-aral ng biktima at 5 araw matapos nitong pumanaw ay wala na.
Ngunit nitong Abril lamang, muling nakita ang nasabing memo sa loob mismo ng paaralan. Inatasan na ng Lupon ng Edukasyon ang ilang lawyers upang imbestigahan ang bagay na ito.
Ayon sa isang opisyal ng lupon, ang mga taong nag-imbestiga at opisyal ng mismong paaralan ay itinanggi ang nasabing memo kahit na alam nila na ito ay totoo.
Ini-utos umano ng mga superior official ng paaralan na huwag sabihin ang tungkol sa memo upang maiwasan ang galit ng mga naiwang pamilya ng biktima at maiwasan ang matrabahong pag-poproseso nito.
Ayon sa pinaka mataas na opisyal ng lupon sa Kobe na si G. Jun Nagata, ang ipiakitang pag-uugali ng mga opisyal ng paaralan ay hindi kaaya-aya at hibdi nararapat. Siya ay lubos na humihingi ng paumanhin sa mga naiwang pamilya ng biktima. Siya rin ay na ngangako na papatnubayan ng maigi ang nasabing usapin. Binago na rin ni G. Nagata ang mga komite upang paimbestigahan ng mabuti ang nasabing kaso.
Ang ina ng biktima ay nadismaya sa ginawang hakbang ng mga opisyales ng paaralan, ang ginang ay nag-hihinala na marami pa ang itina-tago ng nasabing paaralan. Umaasa naman siya na mabigyan ng katarungan ang pagka-matay ng kanyang anak sa tulong ng bagong komite.
Source and Image: NHK World
Join the Conversation