HIGASHI-OSAKA, Osaka Prefecture- Ang ramen na nga ba ang susunod na Japanese dish na sisikat sa buong mundo?
Hindi malayo na ito’y magkatotoo base sa pagdami ng mga nagka-interes na pumasok sa ramen school na nagtuturo sa mga foreigners ng skills na kinakailangan upang makapagluto ng ramen at ipakalat ang popularidad nito sa sarili nilang mga bansa.
Ang principal ng school na si Rikisai Miyajima, 52, ay dating may-ari ng isang ramen restaurant. Gamit ang isang interpreter, itinuro ni Miyajima sa Argentine couple kung paano gumawa ng paboritong ramen ng mga Hapon.
Ang mga lesson ay isinasagawa depende sa cooking skills ng estudyante. Bukod pa dito, itinuturo din ang iba pang pagkain tulad ng tonkotsu bowls at iba pang pagkain na pinalasa gamit ang miso o soy sauce.
Ayon sa opisyal ng school, madaming mga estudyante ang humiling na matuto gumawa ng ramen na walang gagamiting pork at iba pang sangkap na banned under Islamic law. Madami din vegans na bimibisita sa school upang gumawang ng walang halong animal products.
Ang basic course sa Miyajima Ramen School ay tumatagal ng lima hanggang pitong araw.
Source: The Asahi Shinbun
Join the Conversation