90 anyos na driver, naka-disgrasya ng 4 katao

Balitang Krimen: 3 katao sugatan, samantalang 1 ang patay sa aksidente sa Chigasaki, Kanagawa Pref.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ini-imbestigahan ng mga pulis ang nangyaring insidente na nauwi sa pagka-matay ng isa sa mga biktima, Kanagawa Pref.

Yokohama (Jiji Press)- Isang kotse na minamaneho ng isang 90 anyos na ginang ang umararo sa 4 na katao sa Chigasaki, Kanagawa Pref. nuong Lunes. Ang nangyari insidente ay nag-resulta sa pag-panaw ng isa sa biktima.

Base sa mga pulis, ang insidente ay naganap sa National Route 1 bandang alas-11 ng umaga.

Hindi pa malinaw at matukoy kung gaano ka-lubha ang pinsalang natamo ng nga biktima. Ang driver na residente rin ng Chigasaki ay nag-tamo rin ng pinsala, habang 2 bystanders ang dibala rin sa pagamutan dahil sa di umano’y pag-sama ng pakirandam dahil sa nakitang insidente, ani ng mga lokal na pulis.

Ayon sa pahayag ng ilang witness, hindi umano naka-hinto sa Pedestrian Crossing ang sasakyan nuong nasa pula ang ilaw trapiko.

Source: The Japan News

Image: The Yomiuri Shimbun

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund