Mula sa ulat ng Fuji News Network, inilahad ng Niigata Prefectural Police na ang 7 taong gulang na nawawalang batang babae ay pinatay muna sa pamamagitan ng pag-sakal bago pa nasagasaan ng tren.
Sa Aoyamasuido area sa Nishi Ward bandang alas-10:30 ng umaga nuong Lunes, ang driver ng Echigo Line Train ay hindi agad naka-hinto matapos makita ang isang bata na naka-handusay sa riles ng tren. Ang bata ay napag-alamang nasa ikalawang baitang sa elementarya.
Sa isang press conference nuong Martes, mayroong mga sugat at pasa ang bata sa kanyang mukha at leeg at maaaring sinakal ito hanggang sa makitilan ng buhay, ayon sa Nishi Police Station.
Ang lugar kung saan natagpuan ang katawan ng bata ay puno ng bakod at talahib at hindi kaya ng isang bata ang mag-lakbay o mag-laro sa ganong klase ng lugar, sabi ng mga awtoridad.
Ang taga-pangalaga ng bata na naka-tira rin sa nasabing ward ay nag-file ng missing person report nuong Lunes ng gabi.
Pinag-iisipan ng mga pulis na posibleng may foul play sa kaso ng bata.
Source and Image: News on Japan
Join the Conversation