Sa Iki, Nagasaki Prefecture, isang U.S defense contractor ang nag-papalipad ng isang malaking drone na ginamit nuong giyera sa Iraq, sa kauna-unahang demonstrasyon dito sa Japan mula sa paliparan.
Ngunit abg Guardian ay hindi kargado ng pang-militar at ito ay mahigpit na sinusubukan pang-sibilyan layunin lamang.
Ang 3 linggong pag-dedemonstrasyon na nag-simula nuong ika-10 ng Mayo ay isinasa-gawa ng General Atomic Corps. Sa pakikipag-tulungan ng Lungsod ng Iki, Land Ministry, Defense Ministry at iba pang-partidos.
Ang Guardian ay nag-mula sa Predator, na ginamit ng U.S Military upang mag-manman ng kalaban, mag-matyag sa kapaligiran at missile attacks nuong giyera sa Iraq.
Sa demonstrasyon, inaasahang paliparin ang Guardian mula sa Iki Airport hanggang sa isla ng Iki na naka-daong sa isla ng Kyushu na napapalibutan ng dagat.
Ang Guardian ay may haba ng 11 metro at may haba na 20 metro ang pinag-samang pakpak nito. Ito ay na ko-control sa pamamagitan ng ground control station gamit ang satellite.
Nagpa-plano ang mga opisyal upang matukoy ang antas ng katiyakan ng Automatic Ship Identification System at ang radar na naka-install sa drone.
Susubukin rin mag-assist ng drone tungkol sa panahon, kalamidad at usaping karagatan at mga nawawalang tao sa isla ng Iki.
Ang Guardian ay maaari rin magamit sa gipit na sitwasyon. Maaaring lagyan ng missile ang drone sa pamamagitan ng pag-ayos ng mga bahagi nito.
Inaasahan ng General Atomics ay maaaribg nagamit ang drone sa pang-militar na kagamitan sa hinaharap. Tulad ng pag-manman sa karagatang naka-paligid sa Japan at kilalanin ang mga sasakyang pang-dagat na nagte-trespass sa teritoryo ng Japan.
Ayon kay Terry Kraft, vice-president ng kumpanya, na ginagamit lamang ang Guardian para sa pang-komersyal na layunin lamang.
Dinagdag rin ng huli na nasa gobyerno ng Japan at Defense Ministry ang desisyon kung nanausin nilang gamitin ang drobe sa operasyon pang-militar.
Kinakailangan na pag-tagumpayan muna ang mga hadlang bago pa man gamitin sa Japan ang drone, kahit na hindi pang militar na gawain.
Kailangan ng pag-babago sa batas dahil ang Guardian ay lumilipad gamit ang mababang altitude at gumagamit rin ng pang-komersyal na paliparan. Sa kasalukuyan, ito ay hindi pa legal na pinahihintulutan ba paliparin sa bansa.
Ang pag-susuri sa nasabing drone ay pinayagan lamang sa kondisyong may isang light plane na ipinalilipad ng isang piloto ay aantabay habang pibalikipad ang drone.
Source and Image: Asahi Shimbun
Join the Conversation