Inaresto ang isang lalaki matapos umamin na may kinalaman sa krimen sa Niigata nuong ika-7 Mayo

Update sa 7 taong gulang na bata na pinatay sa Niigata Prefecture

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Inaresto kagabi (May 14) si Haruka Kobayashi.

Ayon sa mga imbestigador, isang 23 taong gulang na lalaki ang ina-resto nuong ika- 14 ng Mayo, dahil sa pagkaka-sangkot nito sa pagka-matay ng 7 taong gulang na batang babae sa Niigata Prefecture.

Si Haruka Kobayashi, isang empleyado sa kumpanya at naninirahan sa lugar kung saan din naka-tira ang biktima. Siya ay dinakip ng mga awtoridad dahil sa hinalang pag-iwan at pa-sira sa katawan ng biktima, matapos niyang umamin na siya ay sangkot sa nasabing kaso.

Ang walang buhay na katawan ni Tamaki Omomo, 7 taong gulang at nasa ikalawang baitang sa Kobari Elementary School ay natagpuan sa riles ng JR Echigo Line malapit sa tahanan ng biktima nuong ika-7 ng Mayo.

Ayon sa Prefectural Police ng Niigata, umalis si Omomo ng paaralan kasabay ang kanyang mga kamag-aral bandang alas-3:00 nuong araw na iyun. Ayon sa ilang mga naka-kita, namataan umano nila ang bata na nag-lalakad pauwi sa kanilang bahay.

Maaaring kinuha si Omomo bago pa siya nakarating sa kanilang tahanan na may 300 metro lamang ang layo sa crossing.

Bandang alas-5:00 ng hapon nang mag-report ang ina sa mga pulis na hindi pa umuuwi galing paaralan ang kanyang Gr. 2 na anak. Agad na umaksyon ang kapulisan at nag-deploy ng 100 pulis upang hanapin ang bata.

Ayon sa pulis, base sa resulta ng awtopsiya na ginawa sa bata, ang biktima ay sinakal gamit ang kamay o isang malambot na bagay. Walang nakita bakas ng lubid o kurdon sa leeg ng bata.

Ang katawan ng bata ay nasagasaan ng tren bandang alas-10:30 ng gabi. Hinala ng mga pulis na inilagay ang bangkay ng biktima sa riles ng tren sa 9 na minutos na pagitan ng pag-dating ng nag-papalitang tren (one-track train) .

Suspetsa ng mga pulis na kabisado ng suspek ang lugar at oras ng schedule ng tren.

Ang mga imbestigador at mga pulis ay sinu-suri ang mga fingerprint na nakita sa paligid ng lugar na kung saan nakita ang labi ni Omomo.

Ang lugar kung saan natagpuan ang biktima ay mayroong 470 metrong layo mula sa crossing. Ka-kaunti ang streetlight sa nasabing lugar kung-kaya’t napaka-dilim rito sa gabi.

Source and Image: Asahi Shimbun
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund