Naiwang nakabaliktad sa ere ang mga riders nang biglang tumigil ang roller coaster ng Universal Studios Japan

Ang huling pasahero ay kailangang maghintay ng dalawang oras bago maibaba.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA- Animnapu’t apat na pasahero ang naiwan na nakabaliktad sa ere sa loob ng dalawang oras matapos ang isang roller coaster ay biglang nag emergency stop noong Martes sa Universal Studios Japan.

Sinabi ng amusement park na ang dalawang karwahe ng Flying Dinosaur rollercoaster ay huminto sa kalagitnaan ng 1,100-meter ride, kasama ang mga rider na nakasuspinde ng naka-flying position na nasa 30 metro mula sa ibabaw ng lupa.

Ang mga pasahero ay na-rescued mula sa tumigil na Flying Dinosaur rollercoaster sa Universal Studios Japan amusement park sa Osaka, western Japan, noong Mayo 1, 2018. (Larawan: Chika Oshima / Kyodo News via AP)

Ang parke ng Osaka, na puno ng mga nagha-holiday sa panahon ng “Golden Week” na bakasyon sa Japan, ay nagsabi na ligtas naman ang lahat ng mga Rider. Ang huling pasahero ay kailangang maghintay ng dalawang oras bago maibaba.

Ang parke ay humingi ng paumanhin at sinabi na ang problema ay sanhi ng isang motor-regulating device sa riles nito. Ang ride ay nagpatuloy sa pagpapatakbo pagkatapos ng pag-aayos at mga safety check.

Source: Japan Today
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund