1-taon gulang na batang babae ang namatay matapos masagasaan ng kotse na minamaneho ng ina

Ang ina ay dahan-dahan na nagmaneho ng sasakyan palabas ng covered parking space nang biglang nasagasaan ang anak na babae na nasa harap ng sasakyan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

HYOGO- Isang-taong-gulang na batang babae ang namatay matapos na siya ay masagasaan ng kotse na minamaneho ng kanyang 27-taong-gulang na ina sa parking space ng kanilang tahanan sa Kakogawa, Hyogo Prefecture noong Martes.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente sa paligid ng 6 p.m. Ang ina ay dahan-dahan na nagmaneho ng sasakyan palabas ng covered parking space nang biglang nasagasaan ang anak na babae na nasa harap ng sasakyan, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang batang babae ay dinala sa ospital kung saan namatay siya pagkatapos ng 90 minutos.

Sinabi ng pulisya na ihahatid sana niya ang dalawang kaibigan nito nang maganap ang aksidente. Ang kanyang anak na babae at ang kanyang tatlong-taong-gulang na anak na lalaki ay nakasakay dun sa kotse. Nang sabihin ng kanyang anak na gusto niyang pumunta sa banyo, ang kanyang anak na babae ay lumabas din ng kotse, at akala ng ina ay pumasok din ito sa loob ng bahay.

Image: Photo stock

Sinabi ng babae sa pulisya na nakikipag-usap siya sa isa niyang kaibigan sa loob ng kotse at hindi niya napansin na pumunta pala sa harap ng kotse ang anak na babae.

Source: Japan Today

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund