Nag-simula na ang “Cool Biz”, isang kampanya tungkol sa energy-saving

Kampanya tungkol sa ”Cool Biz” at “Cool Share” ipina-tutupad ng Environment Minister

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mag-sisimula na ang tag-init sa Japan

Nag-simula na ang taunang kampanya ng “Cool Biz” ng Japan, hinihikayat ang mga mamamayan na mag-suot ng kumportableng kasuotan upang maiwasan ang palaging pag-gamit ng air-conditioner.

Sa 5 buwan na panahon ng kampanya, hini-himok ng Ministro ng Kapaligiran ang mga tao na ilagay sa 28 degree celcius ang temperatura ng kanilang air-conditioner sa kanilang tahanan at lugar ng trabahuhan.

Naka-ramdam ng init na parang summer ang karamihan ng lugar sa Japan nuong Martes.

Karamihan sa mga lalaking mang-gagawa sa opisina ng gobyerno sa Kasumigaseki District sa Tokyo ang pumasok ng naka-casual at mga hindi naka-suot ng necktie nuong umaga ng Martes.

Sa tanggapan ng Environment Ministry, ang mga tao ay nag-suot ng Okinawan open-neck na t-shirt at gumamit ng pamaypay. Ang isang lalaki na naka-suot ng Hawaiian T-shirt at naka-sneakers ay nag-sabi na mas nakaramdam siya ng ginhawa at komportable ang pakiramdam sa pag-suot ng ganung klase ng kasuotan.

Hini-hikayat rin ng ministro na gawin ang “Cool Share” canpaign, ito ay ang pakikipag-share ng aircon sa halip na mag-palamig ng indibidwal na mga kwarto.

Isang opisyal ng ministro na namamahala sa nasabing pag-kakampanya na si Toshiro Hayashi, ay nag-mumungkahi na malaki ang mai-tutulong ng sambayanan sa pamamagitan ng pag-babago sa kanilang lifestyle.  Hinahangad niya na mag-bago ang pag-uugali ng mga tao sa kanilang tahanan at trabahuhan ukol sa tamang pag-gamit ng aircon.

Ang gobyerno ng Japan ay nag-lalayon na mabawasan ng 40 % ang pag-gamit ng greenhouse gas emission ng mga kabahayan mula 2013 level bago sumapit ang taong 2030.

Source and image: NHK World Japan
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund