Maraming magagandang lugar na maaaring bisitahin sa panahon ng Golden Week. Ngunit asahan na dadagsain ito ng mga turista at mga bakasyonista. May ibang mga pasyalan sa siyudad na maaaring wala gaanong tao.
Sa panahong ito, mayroong 2 magagandang pasyalan na mai-rerekomendang dapat bisitahin. Ito ay ang mga pasyalan na mayroong mga bulaklak ng Wisteria na talaga namang napaka-ganda. Ang mga bulaklak nito ay namumukadkad tuwing Golden Week.
Ashikaga Flower Park sa Tochigi at Kawachi Fujien sa Fukuoka.
Maaari niyo rin maabutan at makita ang Shibazakura na nasa paanan ng Mt. Fuji. Mayroon pang isang magandang pasyalan, ito ay sa Hitachi Seaside Park sa Ibaraki.
Kung ikaw naman ay nasa kabilang bahagi ng bansa, maaari niyo rin mapuntahan ang Akiyoshido Limestone Cave sa Yamaguchi Prefecture. Ito ay isang 300 milyong taong gulang na kweba na mayroong underground river. Ito ay isang kilalang yaman ng bansa.
Ito pa ang isang lugar na ipinag-mamalaki ng bansa, ang Nanzoin Temple sa Fukuoka. Wala pang masyado tao o turista ang naka-aalam nito kung kaya’t maaring wala masyadong namamasyal sa lugar na ito. Isa pa sa nag-papaganda rito ay… ito ay LIBRE!!!
Sa ganitong panahon, asahan na daragsain ng mga bakasyonista at turista ang mga sikat na pasyalan sa bansa, ipina-payo namin na pumunta sa mga probinsya kung saan maaari kayong maka-kita ng marami pang magagandang tanawin.
Ang importante ay makapag-relax, maka-sama ang mga pamilya at kaibigan. Have a wonderful and safe vacation to all!!!
Source: Quora Images: Wikimedia, Portal Mie
Join the Conversation