Mala-Spiderman na lalaki, sinagip ang batang muntikan ng mahulog mula sa balkunahe ng isang gusali

Balitang Pandaigdig: Spiderman, ini-ligtas ang isang bata mula sa pagkaka-hulog sa ika-5 palapag na gusali sa France.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang Malian national, pinupuri dahil sa pag- ligtas ng buhay ng isang bata

Paris, France- Isang lalaki ang pinu-puri ngayon dahil sa ipina-kitang katapangan nang sagipin niyang ang isang batang naka-lambitin sa balkunahe ng isa apartment building.

Ang video ay in-upload ng isag netizen nuong Sabado sa Hilagang bahagi ng Paris.

Gamit lamang kanyang kamay, inakyat at sinagip niya ang 4 na taong gulang na batang lalaki sa posibilidad na pagkaka-hulog sa balkunahe na nasa ika-5 palapag ng gusali. Agad niyang hinawakan sa braso ang bata mula sa tulong ng isang kapit-bahay.

Ang lalaki ay isang 22 anyos na nag-mula sa Mali, isang nasyon sa West Africa. Kararating lamang ng lalaki sa Paris kamakailan.

Agad umaksyon ang lalaki nang makita ang ilang mga tao na nag-kukumpulan sa ibaba ng gusali. Ang footage ay naging viral sa social media, binansagang ” The real Spiderman” ang nuo’y hindi pa nakikilalang lalaki.

Pahayag ni Mayor Anne Hidalgo, ” Ang katapangang ipinamalas ng lalaki ay isang magandang halimbawa sa para sa ating lahat.”

Pangulong Emmanuel Macron kasama si Momoudou Gassama

Inimbitahan ng Pangulong Emmanuel Macron si Momoudou Gassama upang personal na pasalamatan. Inanunsyo rin ng Pangulo na ang huli ay gagawaran ng French Citizenship at itatalaga sa Fire Service.

Source: NHK World

Image: en.rfi.fr

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund