Nag-salita na ang Health officials na mahigit 170 katao na ang nahawaan ng tigdas sa buong bansa. Ang epidemya ay nag-mula sa timog-kanluran ng Prepektura ng Okinawa nuong Marso.
Ang National Institute of Infectious Diseases ay nag-bigay ng pahayag nuong Martes, nag-tala ng 99 katao ang nahawaan ng tigdas sa Okinawa, 23 katao sa Aichi, Central Japan at 2 katao naman sa Tokyo.
Samantalang, 17 katao naman ang nag-resulta ng positibo sa viral disease sa Fukuoka, sa timog-kanluran ng Japan.
Ayon sa mga opisyal, ang bilang ng kasong nai-tala ay maaaring nadagdagan dahil sa bakasyon nuong tag-sibol na buwan ng Abril hanggang Mayo kung saan maraming dayuhan at mga lokal ang namamasyal sa bansa.
Ang naka-hahawang sakit ay may incubation period na 10 araw hanggang 2 linggo.
Isang senior institute official ang bag-sabi na bagama’t naisasalba ang mga pasyenteng nahawaan ng kumakalat na epidemya, hinihikayat pa rin ang lahat na mag-ingat.
Dagdag pa ng opisyal, mataas ang posibilidad na mahawa ang mga taong nasa 20 hanggang 40 anyos ang edad. Pinapayo na magpa-bakuna ang mga ito laban sa nasabing sakit, lalo na sa mga nag-tatrabaho sa Medical Institution, Paaralan at Child Facilities.
Source: NHK World
Image: Ir Insider
Join the Conversation