Mahigit 100 puno ng kawayan sa Kyoto ang may vandalism

Vandalism sa mga puno ng kawayan dumadami na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Bamboo Grove sa Arashiyama District, Kyoto

Nadiskubre ng mga opisyales ng Lungsod ng Kyoto na mahigit 100 kawayan sa Arashiyama District ang may vandal.

Nakita nila umano ang iba’t-ibang letra ng alpabeto, Korean at Chinese character na naka-ukit sa mga puno.

Nag-simula nilang mapansin ang vandal sa mga puno nuong Pebrero ngunit parami nang parami ang mga sulat hanggang ngayong Abril.

Ang lungsod ay nag-paskil ng mga karatula bilang babala sa iba’t- ibang lenguwahe. Nag-plano na rin sila na gumawa nanghakbang upang hindi na ito maulit muli sa pamamagitan ng pag-lagay ng mas matataas na bakod sa paligid ng mga puno ng kawayan.

3 taon na ang nakararaan nuong binukasan ng libre para sa publiko ang Bamboo Forest Grove sa Arashiyama District. Isa ito sa pinupuntahan ng mga turista Ancient Japanese Capital.

Ayon sa taga-pamahala, ang ugat ng mga puno ay konektado kung-kaya’t maaaring madamay ang iba pang mga puno ng kawayan.

“Ayoko na sirain ng mga turista ang mga puno.” ani pa nito.

Source and Image: NHK World
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund