Fliers para maiwasan ang heatstroke, inumpisahan nang ipa-migay

Anti-heatstroke fliers na naka-salin sa wikang Ingles, pinamimigay na.

Mataas ang posibilidad na matamaan ng heatstroke dahil sa klima sa Japan.

Nananawagan ang Japanese Foundation sa mga dayuhan/turista na hindi sanay sa maalansangang klima sa Japan, dahil ito ay kadalasang dahilan ng heatstroke.

Gumawa sa kauna-unahang pagkaka-taon ng mga English leaflets ng paraan upang maiwasan ang heatstroke at mga dapat gawin kapag na-heatstroke ang Japan Weather Association para sa kasalukuyang bilang ng dayuhan/turista na nasa bansa. Ito ay maaari pang madagdagan dahil sa 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games.

Ang mga leaflets ay planong ipa-migay sa susunod na buwan, ngunit dahil sa hindi inaasahang pag-taas ng temperatura nuong Miyerkules, na umabot ng mahigit 30 degree celcius sa Tokyo. Ito ay nag-bigay alarma sa pamunuan ng nasabing asosasyon, kung-kaya’t napa-aga ang pag-bibigay sa mga fliers.

Nuong Miyerkules sa isang Tourist Information Office sa Shinjuku Ward ay nag-simula ng ipamahagi ang nasabing leaflets.

Naka-sulat dito  kung ano ang dapat gawin upang mabigyan ng paunang lunas ang pasyenteng na heatstroke at kung papa-ano tumawag ng ambulansya. Upang maka-akit ng atensyon, ang isang bahagi ng leaflet ay maaaring gawing Origami.

Ayon sa survey na ginawa ng asosasyon, napag-alaman nila na mahigit 70% sa mga dayuhang naninirahan sa bansa ay naka-raranas ng sintomas ng heatstroke tulad ng pang-hihina at pagka-hilo.

Ayon sa isang eksperto, dahil sa init at maalinsangang klima sa Japan, ang mga dayuhan/turista ay mayroong mataas na risk na atakihin ng heatstroke.

Source and Image: NHK World