Inaresto ng mga Tokyo Metropolitan Police ang isang Turkish national na kasalukuyang nag-aapply ng Refugee Visa at isa pang dayuhan sa hinalang pagkaka-sangkot sa ilang nakawan sa Kanto area simula pa nuong umpisa ng taon, ayon sa ulat ng Sankei Shinbun.
Bandang alas-6:30 ng gabi nuong ika-20 ng Abril, isang Turko (20) at isa pang kasabwat na lalaki ang pinag-hihinalaang bumasag ng bintana ng isang 63 anyos na matandang lalaki sa Noda City, Chiba Prefecture upang manloob at nakawin ang isang relo at mga singsing na nagkaka-halaga ng ¥210,000.
Ang dalawang suspek ay lalong pinag-dudahan ng mga pulis matapos eksaminin ang security camera footage. Itinanggi ng dalawa ang paratang sa kanila. Ani ng Turko sa mga pulis, ” Minaneho ko lang yung kotse at nag-silbing look-out.”
Ang mga suspek ay pinag-hihinalaang kasangkot sa mahigit 50 na bilang ng kasong pag-nanakaw sa Chiba at Saitama Prefecture mula pa nuong buwan ng Pebrero na kung saan mahigit 10 milyon yen na ang halaga ng kanilang mga ninakaw.
Ang Turkish national na isang katutubo “Kurd”, ay nag-pasa ng application sa Immigration Bureau upang maka-kuha ng Refugee Status sa bansang Japan, ayon sa mga awtoridad.
Source and Image: News on Japan
Join the Conversation