Isang matandang babae na naka-wheelchair nasagasaan ng tren

85 taong gulang na babae patay, matapos masagasaan ng tren.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Yamanashi, isang 85 taong gulang na babae na naka-sakay sa isang electric wheelchair ang namatay matapos masagasaan ng isang express train sa crossing sa Yamanashi City nuong Huwebes ng gabi.

Ang insidente ay nangyari bandang alas-7 ng gabi sa Akaiyama, sa riles ng JR Chuo Lines, ayon sa ulat ng Fuji TV. Ang express train ay nag-mula sa Shinjuku, Tokyo station papuntang Matsumoto station sa prepektura ng Nagano.

&nbspIsang matandang babae na naka-wheelchair nasagasaan ng tren
(News TBS)

Ayon sa mga pulis, nakita umano ng driver ng tren na naka-tayo ang matandang babae sa likod ng kanyang wheelchair, naka-hawak sa mga handle bars nito ay kumakaway sa tren. Agad umanong nag-emergency break ang driver ng tren ngunit sa kasamaang palad hindi ito huminto sa tamang oras. Kinumpirma ng mga pulis na wala ng buhay ang biktima na si Gng. Masae Saiga. Ang biktima ay naninirahan malapit lamang sa nasabing lugar.

Sinabi ng mga imbestigador na mayroong harang ang nasabing tawiran at ito ay bumaba bilang sinyales na may parating na tren. Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na na-stuck ang wheelchair ng biktima at ito ay bumaba upang maitulak ang wheelchair.

Mayroong mahigit 400 pasahero ang nasabing tren, ayon sa JR East, maliban sa pag-panaw ng biktima, wala nang iba pang sugatan o napinsala sa nangyari. Naantala ang pag-byahe ng tren ng mahigit 90 minutos matapos ang aksidente.

Source: Japan Today
Image: News TBS
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund