Ilang lugar sa Japan inirerekomenda upang maipabilang sa listahan ng UNESCO heritage

Ilang isla at mga lugar sa bansang Japan inirerekomendang isama sa UNESCO

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng pamahalaan nuong biyernes, ang UNESCO preliminary review panel ay inirerekomenda ang isang dosenang lugar sa timog-kanluran ng bansa na konektado sa kasaysayan ng Japan nuong inuusig ng mga ito ang mga  kristiyano upang mairehistro sa listahan ng World’s Cultural Heritage.

Samantalang, nire-review pa ng panel ang iba pang mga isla sa timog-kanluran na inirekomenda ng Tokyo upang maipa-sama sa listahan ng Natural Sites ng World Heritage.

Ang listahan ng mga lugar na nauugnay sa kasaysayan ng mga inusig na kristiyano ay opisyal na tatalakayin sa isang pag-pupulong na gaganapin sa bansang Bahrain sa ika-24 ng Hunyo hanggang sa ika-4 ng Hulyo ng U.N Educational, Scientific and Cultural Organization’s Intergovernmental Committee.

&nbspIlang lugar sa Japan inirerekomenda upang maipabilang sa listahan ng UNESCO heritage
Oura Catholic Church (Wikimedia/STA3816)

Kung ang internasyonal na kumakatawan na naka-batay sa Paris ay sumang-ayon na ilista ang mga ito, mag-dadala ito ng kabuuang bilang ng mga Japanese items sa World’s Cultural and Natural Heritage sa posisyong ika-22, ayon sa pamahalaan. Ang pagdaragdag ng Tokyo ay mag-reresulta ng pag-rerehistro ng mga iminungkahing Natural Sites.

Ang mga iminungkahing mga lugar ay ang Oura Church, isang simbahang katoliko sa lungsod ng Nagasaki. Itinalaga ito bilang isang National Treasure dahil ito ang pinaka-matandang simbahan sa bansa.

Ang iba pang mga lokasyon ay ang Village ng Sakitsu sa Amakusa, Kumamoto Prefecture, kung saan sumampalataya ang mga kristiyano ng palihim sa kabila ng parusang kamatayan nuong panahon ng Edo (1603-1868) sa ilalim ng pamamahala ng Tokunaga Shogunate.

Ayon sa pamahalaan, ang mga mamamayan na patuloy sumampalataya sa kanilang paniniwala sa kabila ng parusa ay mayroong “ natatanging kultura at tradisyon.”

Ang mga inirerekumendang mga lugar ay ang mga sumusunod;  Ang mga isla ng Amami-Oshima at Tokunoshima sa Kagoshima Prefecture, ang hilagang bahagi ng pangunahing isla ng Okinawa at Isla ng Oriomote na nasa Prepektura rin ng Okinawa.

Ayon sa pamahalaan, ang mga nabanggit na Isla ay  nagpapa-kita ng “ Natatanging Biological Evolution” at ito ay nag-sisilbing malaking bahagi sa “ Biodiversity Preservation”.

Source: Japan Today
Image: Wikimedia
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund