Isang babae ang natagpuang patay sa saksak sa isang apartment sa Fukuoka

Puno ng saksak na katawan ng babae, nakuta sa loob ng apartment ng isang lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Katawan ng babae na puno ng saksak natagpuan sa apartment ng isang lalaki sa Fukuoka.

Isang 40 anyos na babae ang natagpuang patay dahil sa saksak sa apartment ng isang lalaki sa Fukuoka nuong Martes, ayon sa mga awtoridad. Nananatiling hindi batid ang pagkaka-kilanlan ng 70 anyos na matandang lalaki.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ang katawan ng biktimang si Miki Otaku ay natagpuan sa apartment ng matanda sa Nishi Ward bandang alas-10:00 ng gabi nuong Lunes, ulat ng Fuji TV. Sinabi ng kinakasama ni Otaku (45) sa mga awtoridad, na ito ay hindi pa umuuwi mula ng nag-paalam na aalis nuong Linggo ng gabi.

Matapos na hindi ma-kontak ang biktima nuong Lunes, agad niyang ipinag-bigay alam sa mga pulis ang pangyayari. Natunton naman nila ang lugar na kinalalagyan ng biktima dahil sa GPS nito sa kanyang smartphone. Gayunpaman, walang naging resulta ang pag-hahanap ng mga awtoridad sa kinalalagyan ng biktima, ngunit ipinag-patuloy ng kasintahan ng biktima ang pag-hahanao sa huli sa pamamagitan ng pag-katok sa mga bahay-bahay. Nakita ng lalaki ang isang bukas na pintuan na apartment sa kanyang pag-hahanap, at duon tumambad sa kabya ang walang buhay na katawan ng kasintahan na puno ng saksak. Agad siyang tumawag sa 119.

Ang walang buhay na katawan ng biktima na nag-tataglay ng saksak sa kanyang dibdib at tiyan ay nakita sa kusina ng nasabing apartment. Kinumpiska rin ang isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit na instrumento sa pag-paslang sa biktima.

Pinag-hahanap pa ng mga awtoridad ang lalaking naka-tira sa nasabing apartment.

Source: Japan Today
Image: Seminyak Times
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund